Wednesday, November 15, 2017

Letter to My Future Wife

# 2

Dearest ,

I hope you are having a good day. I was just wondering, pag ako may bad day, how do I usually show it you? What am I like when I'm with you when I went through a lot of trouble, siguro sa work, or sa friends, or sa family. How will you describe me? Sana di naman ako moody, sana din hindi naman ako masyadong walang pakealam. Super naaapektuhan ba ako or super chill lang? Syempre di ko alam ang sagot kase I can be biased sa sagot ko, and I want you, my love, to be the one to tell me what I am like when stressed or when I just had enough.

Alam mo, kung negative ang sagot mo regarding the tanong ko, I really am sorry. Dahil ngayon na alam ko na, unti-unti kong babaguhin ang sarili ko kasi ayokong nasasaktan kita. Hahabaan ko pa yung pasensya ko para kung sakaling mejo nabugnot ako sa work or kung mejo may pagtatalo sa family, eh hindi ka madadamay sa mga pinagdadaanan ko. Alam mo, ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay ko at ayaw kong nalulungkot ka na ako ang dahilan.

I always pray to God, and I am thankful that He gave you to me, that he allowed me to be accepted by you. I have been sure right from the start that til death do us part, I will love you everyday, I will take care of you in every moment that we have, I give you joy and laughter in all the best things I can do. I'll sing for you everyday, hug you endlessly and kiss oh so passionately. Thank you for being the best.

Di ko kakalimutan yung mga favorite mo na food, lulutuin ko sila para sayo, kundi ko man kaya, pag aaralan ko o kaya bibili na lang ako sa labas. Haha. Gusto ko na pati sa pag kain, inaalagaan kita, sinusubuan kita, kinukuha kita ng maiinom at pag sisilbihan ka. Mahal na mahal kita.

Wag mong kakalimutan yun ha! Mahal na mahal kita. May mga pagkakataon man na malungkot ako, sigurado ako isang lambing mo lang tanggal na lahat ng kalungkutan ko at kung pagod man ako, isang haplos mo lang, sigurado tanggal lahat ng pagod ko...parang vicks lang. :) 

Mamahalin kita hanggang sa dulo ng buhay ko. Yan ang pangako ko.

AJ

No comments:

Post a Comment